Home ENTERTAINMENT

ENTERTAINMENT

2

Inokray ni Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa ang gown na isinuot ni Binibining Pilipinas Grand International 2016 Nicole Cordovez sa naganap na Binibining Pilipinas 2022 noong Hulyo a-31 sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Matatandaang si Nicole ang naging co-host ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa naturang pageant kung saan, suot niya ang lower black and upper pink na long gown.

Sa Twitter post ni MJ, pabiro niyang sinabi na bet o gusto niya ang dalawang table na nakalagay sa ibabaw ng stage.

Umani naman ng Laugh Reaction sa mga netizen ang naturang post dahil ang isang table na tinutukoy ni MJ ay ang suot na gown ni Nicole na sumakto sa kulay ng lamesa na nasa ibabaw ng stage.

Sa ngayon, wala pang reaksiyon si Nicole hinggil sa post ni MJ.

August 3, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
HIPON GIRL

Ipinagmalaki ni Herlene Budol o mas kilala bilang “Hipon Girl” ang kanyang napanalunang korona at mga sash sa katatapos lamang na Binibining Pilipinas 2022.

Bukod sa paghakot nito ng pitong special awards ay nagtapos si Herlene bilang 1st runner up sa naturang beauty pageant.

Sa instagram, nag-posing si herlene sa harap ng kamera kasama ang korona at mga sash, kung saan may caption ito na, “Kung kaya ko kaya mo din, wag kang matakot na ipakita kung ano ang meron ka. Binibining hindi inaasahan because I know for myself that i am uniquely beautiful with a mission”.

Samantala, umabot naman sa mahigit animnapung libo ang pumuso sa naturang IG post ng komedyana.

August 2, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
angelica panganiban - baby shower

Ipinasilip ng aktres na si Angelica Panganiban ang kaniyang ‘Under the Sea’ baby shower.

Ibinahagi ni Angge sa kaniyang Instagram, ang mga litrato na kuha sa baby shower para sa anak nila ng nobyong si Gregg Homan.

Nagpasalamat din ang aktres sa kanyang pamilya sa Star Magic na naghikayat sa kanya na magkaroon ng baby shower.

Samantala, kabilang sa mga dumalo sa pagtitipon sina Anne Curtis, Angel Locsin, Agot Isidro, Maxene Magalona, Cherry Pie Picache, Antoinette Jadaone, Kean Cipriano at Chynna Ortaleza.

August 2, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
DONBELLE

Napabilang ang tambalang DonBelle o Donny Pangilinan at Belle Mariano sa mga nominado sa Seoul International Drama Awards (SDA) ngayong taon.

Inilabas ng prestihiyosong South Korean Award-Giving Body ang opisyal na listahan ng mga nominado kung saan, kabilang ang Donbelle sa Outstanding Asian Star 2022 Nominees.

Ang Asia Star Award ay ibinibigay sa mga aktor at aktres mula sa limang asian countries at regions kabilang ang Japan, China, Thailand, Taiwan, at Pilipinas.

Pararangalan ang 2022 honorees sa 17th Seoul Drama Awards Ceremony sa South Korean Capital, na ipapalabas sa KBS 2TV sa September 22.

Nakuha ni Alden Richards ang asian star prize sa SDA noong 2019 at 2020 naman nang masungkit din ito ni Dingdong Dantes.

August 2, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
VANESSA RAVAL AT AJ RAVAL

Binasag na ng sexy actress na si AJ Raval ang isyung kinasasangkutan ng kaniyang kapatid na si Vanessa Raval.

Sa FB post ni AJ, nanawagan siya sa mga netizen na itigil na ang pagdawit sa kaniyang pangalan at nang kaniyang pamilya sa isyu ng kaniyang kapatid na hindi naman umano niya nakasamang lumaki.

Ayon kay AJ, “Very Civil” lang kapag nagkikita sila ni Vanesa at hindi sila close dahil mas close niya ang mga kapatid niya sa nakalakihan niyang ina.

Humingi naman ng pasensya sa publiko si AJ partikular na sa hiphop industry at idiin na maging ang buong pamilya nila ay apektado na dahil wala silang kinalaman sa isyu ni Vanessa.

Samantala, isang oras matapos magbigay ng pahayag si AJ, agad namang inamin sa publiko ni Vanessa Raval na “Scripted Lang” umano ang mga screenshots at isyung kaniyang kinasasangkutan hinggil sa isang rapper na nangungulit umano sa kaniya sa messenger.

Sinabi ni Vanessa na gawa-gawa niya lang ang FB Account na kaniyang nakakachat at sumugal lamang siya sa mga taong mahal niya sa buhay pero bandang huli ay talo parin.

Agad na humingi ng tawad sa publiko si Vanessa at nangakong hindi na uulitin ang kaniyang naging pagkakamali at hindi na gagawa ng gulo.

Aminado si Vanessa na alam niyang wala siyang karapatang magpavictim dahil minsan na siyang nangutya ng tao kaya humihingi siya ng isa pang pagkakataon para makapag bago.

August 2, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
MARTIN NIEVERA

Magdaraos ng concert ang singer at “Concert King” na si Martin Nievera para sa kanyang ika-40 anibersaryo sa industriya.

 Gaganapin ang naturang concert na tinawag na M4D o Martin 4 Decades sa Walt Disney Concert Hall sa Downtown Los Angeles sa Agosto 28.

 Matatandaan na si Nievera ay may nasungkit na 18 platinum, limang double platinum, tatlong triple platinum at isang quadruple platinum album sa larangan ng musika. —sa panulat ni Hannah Oledan

August 1, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
NICOLE BORROMEO

Itinanghal na Binibining Pilipinas International 2022 si Miss Cebu City Nicole Borromeo.

40 kandidata ang naglaban-laban sa Binibining Pilipinas 2022 Coronation Night na idinaos sa Smart Araneta Coliseum kagabi.

Pinangalanan naman ang pambato ng San Pablo, Laguna na si Roberta Angela Tamondong bilang Binibining Grand International 2022; Binibining Pilipinas Intercontinental 2022 si Gabrielle Basiano ng Eastern Samar at Binibining Pilipinas Globe 2022 naman si Chelsea Fernandez ng Tacloban City.

Nagwagi bilang first runner-up sa kompetisyon si Herlene Nicole Budol ng Angono Rizal habang second runner-up naman si Stacey Gabriella Daniel ng Cainta, Rizal.

Maliban sa pagiging firts runner-up, humakot rin ng pitong special awards si Herlene, kung saan nakuha niya ang Bb. Shein, Bb. Pizza Hut, Bb. Kumunity, Bb. Jag Queen, Bb. Silka at Bb. World balance.

Naiuwi naman ni Karen Laurrie Mendoza ng Iloilo City ang Bb. Moist Diane shampoo; Bb. Ever Bilena si Chelsea Fernandez at nasungkit naman ni Gabrielle Basiano ang best in swimsuit at best in evening gown.

August 1, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
JROA

Engaged na ang Ex-B member at singer na si John Roa o mas kilala bilang si JRoa at singer-long time girlfriend nito na si Raina Eguia.

Sa Instagram post ng rapper-singer, kaniyang ibinahagi ang larawan kasama ang kaniyang finacé suot ang proposal ring nito.

Naganap ang nasabing proposal sa gitna ng premiere night ni JRoa sa kaniyang bagong music video na “Natagpuan.”

Umani naman ng ibat-ibang reaksiyon sa mga netizen ang ginawang proposal ni JRoa kung saan, maraming nagsabi na siya ang tipo ng lalaki na marunong makuntento sa relasyon kaya “sana all.”

August 1, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
ZIA QUIZON - KASALA NA

Ikinasal na ang singer-songwriter na si Zia Quizon sa longtime Serbian boyfriend nito.

Sa Instagram post ni Quizon, ibinahagi niya ang larawan ng kaniyang kamay at ng partner nito na suot ang kanilang wedding ring.

Ayon sa singer, “proof of wife” ito para sa mga concerned Marites.

Nagpasalamat naman si Quizon sa kaniyang magulang at sa in-laws nito para sa suporta at pagmamahal.

Matatandaang nitong buwan din ng mag-travel Si Zsa Zsa Padilla papunta sa Serbia para sa special day ng kaniyang bunsong anak na si Zia.

July 31, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
conney reyes

Hindi mapigilang maging emosyonal ng aktres na si Coney Reyes matapos siyang mainit na salubungin ng kaniyang mga fans.

Ito ay matapos tumapak muli sa entablado ang aktres para sa ika-43 Anibersaryo ng noon-time show na Eat Bulaga.

Ayon kay Coney, masarap sa pakiramdam na makabalik sa programa na tahanan niya sa loob ng maraming taon.

Inihayag din ng aktres na marami siyang natutuhan mula sa kanyang mga co-host na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon.

Samantala, excited na ang beteranong aktres na makapagbigay ng isang libo at isang tuwa sa mga Pilipino.  —sa panulat ni Hannah Oledan

July 31, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest