Home ENTERTAINMENT

ENTERTAINMENT

lovi poe instagram

Masayang ibinalita ng aktres na si Lovi Poe ang launching ng kaniyang sariling production company.

 Ayon sa kaniya, ang C’est Lovi Productions ay bunga ng kaniyang pagmamahal sa paggawa ng pelikula at ng kagustuhan niyang maipakita sa mundo ang husay ng mga Pilipino.

 Umaasa rin ang aktres na maipagpapatuloy ng kaniyang production company ang legasiya ng FPJ Productions ng kaniyang amang si Fernando Poe Jr (FPJ).

 Nais din daw masubukan ni Poe na magtrabaho sa likod ng kamera matapos bumida sa malalaking pelikula gaya ng “The Annulment” at “The Escort”.

August 8, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
herlene budol

Magtutuloy-tuloy ang pagsabak ni Binibining Pilipinas 2022 First Runner-up Herlene Budol sa mga beauty pageant.

Ito’y matapos kumpirmahin ni Herlene at kanyang manager na lalaban din ito sa International pageants.

Say ng manager ni Herlene, humingi siya ng basbas sa Binibining Pilipinas Charities Incorporated (BPCI). Kaugnay dito ay wikang Filipino ang gagamitin nito sa naturang pageant.

Sinabi naman ng Beauty Queen-comedian na proud siya sa ating wika at hindi aniya basehan ang pagsasalita ng Ingles pagdating sa katalinuhan.

Nagpasalamat din si Herlene sa Binibining Pilipinas, dahil nalaman niya ang kanyang ‘purpose,’ at sinabing ”I am uniquely beautiful with a mission.”

Sa ngayon ay ipagpapatuloy muna ni Herlene ang kanyang career sa showbiz.

August 8, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
EUNWOO

Muling bumalik sa bansa ang K-Drama actor at K-pop idol na si Cha Eun-woo para sa kanyang “2022 Just One 10 minute: Starry Caravan” fan meet.

Idinaos ang fan meet nito lamang August 6 sa Smart Araneta Coliseum kung saan mainit na tinanggap ng mga fans ang pagbabalik ng Kpop idol.

Pinasaya ng 25-year-old star ang kanyang Pinoy fans sa pamamagitan ng kanyang hit song na “First love.”

Tampok sa fan meet ni Eun-woo ang mga performances, games, at reenactment ng mga eksena mula sa K-dramas na kanyang pinagbidahan.

Sinabi naman ng Kpop star na labis niyang ikinagalak na makita ang kanyang Pinoy fans.

August 8, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
CHERIE GIL

Pumanaw na kahapon ang beteranang aktres na si Cherie Gil sa edad na 59 na taong gulang.

Ito ay kinumpirma ng kanyang Talent manager na si Annabelle Rama at pamangkin na si Sid Lucero sa kanilang Instagram posts.

Bagama’t wala pang kumpirmadong sanhi ng pagkamatay ng aktres, usap- usapan ngayon na Cancer ang ikinamatay nito.

Binansagan si Gil bilang “La Primera Kontrabida” dahil sa galing nito sa pag-arte at kontribusyon nito sa industriya ng Sining at Pelikula.

Kilala rin ito sa kanyang tanyag na linyang “You’re nothing but a second rate trying hard copycat” sa teleseryeng Bituing Walang Ningning noong 1985.

Ilang Kapuso celebrities din ang nagpaabot ng maiksi ngunit makabuluhang mensahe para sa pumanaw na aktres. —sa panulat ni Hannah Oledan

August 6, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
KELSEY - JARED

Usap-usapan ngayon kung ano nga ba ang namamagitan sa Filipina-American model na si Kelsey Merritt at American Actor-Musician na si Jared Leto.

Ito ay matapos maglabasan ang litrato ng dalawa na nagra-rock climbing sa Sardinia, Italy.

Batay sa ulat ng The Daily Mail, bago ang outdoor activity, ay naispatan din sina Kelsey at Jared sa isang yate kasama ang iba pang Victoria’s Secret models.

Sa ngayon ay wala pang kumpirmasyon kung ano nga ba ang ugnayan ng dalawa at wala rin silang post na magkasama sila, ngunit makikita sa instagram posts ni Kelsey ang mga larawan nito sa Sardinia at nag-post naman ng clips si Jared ng kaniyang water activities.

Si Kelsey, 25-years old, ay kilalang Victoria’s Secret model habang si Jared, 50-years old, ay kilalang aktor at lead vocalist ng bandang Thirty Seconds to Mars.

August 5, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SEEING HER EX

Nasunog ang music studio ng opm singer-song writer na si Jimmy Bondoc.

Sa Facebook post ng singer, kaniyang ibinahagi ang mga larawan mula sa kaniyang nasunog na studio kung saan, natusta ang ilan sa kaniyang mga musical instrument na ilang taon niyang pinagtrabahuhan.

Ayon kay Jimmy, nagsimula umano ang sunog sa kaniyang aircon na nasa loob ng kaniyang studio.

Sinabi ni Jimmy na swerte parin siya dahil ligtas at walang nasugatan sakanila.

Sa hiwalay na Facebook post, nakiusap si Jimmy sa kanyang mga followers na nagnanais tumulong na ipaabot na lamang ang kanilang donasyon sa dalawa niyang kaibigan na higit na nangangailangan.

August 5, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
ELLEN ADARNA

Walang planong bumalik sa showbiz ang sexy actress na si Ellen Adarna-Ramsay.

Kwento ng manager ni Ellen na si Danel Louise Calixto, mag la-lie low muna si Ellen sa showbiz dahil pagtutuunan nito ng pansin ang anak na si Elias.

Payag din daw si Ellen sa mga guesting lang pero hindi full time.

Ibinunyag naman ng aktres na gumagamit siya ng intrauterine device (IUD), isang contraceptive device kung kaya’t wala rin siyang plano pang magbuntis.

Matatandaang ikinasal si Ellen sa asawa nitong si Derek Ramsay noong Nobyembre ng nakaraang taon.

August 4, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
RHIAN RAMOS

Kinumpirma na ng aktres na si Rhian Ramos ang relasyon nila ng negosyanteng si Sam Verzosa.

Isinapubliko ni Rhian ang ulat sa naganap na gma Thanksgiving Gala Night.

Say ni Rhian, ito ang unang public appearance nilang magsintahan.

Ilang larawan din ang ibinahagi ni Rhian sa event kung saan makikitang sweet na sweet ang dalawa at nakaholding-hands pa.

Si Sam ang CEO at Co-founder ng beauty brand at marketing enterprise na Frontrow na sikat ngayon sa Pilipinas.

Noong 2021 ang huling relationship ni Rhian sa Israeli boyfriend na si Amit Borsok na tumagal ng mahigit isang taon.

August 4, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
AJ JERIC RAVAL

Nagsalita na ang action star na si Jeric Raval hinggil sa kumakalat na isyung buntis ang kaniyang anak na si AJ Raval.

Sa pahayag ng aktor patungkol sa nasabing isyu, kaniyang iginiit na hindi buntis ang kaniyang anak at nagsho-shooting pa umano ito.

Sinabi pa ni Jeric na kung buntis si AJ, mas mabuti pa raw ito dahil patunay ito na hindi baog ang kaniyang anak.

Aminado ang aktor na maging siya ay nasasaktan sa tuwing may nababasa siyang mga kumento tungkol kay AJ.

Ayon pa kay Jeric, bilang isang magulang, hindi niya maiiwasang maapektuhan kaya pinipilit niya itong dedmahin dahil ang mga gawa-gawang isyung kumakalat sa social media ay kasama na umano sa buhay ng isang artista.

August 4, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
FAVKITKAT

Isinilang na ng komedyanteng si Kitkat ang panganay na anak nila ni Walby Fabia.

Sa isang instagram posts, ibinahagi ni Kitkat ang larawan kasama ang kanyang newborn baby girl na si Uno Asher B. Favia.

Nagpasalamat naman sa panginoon si Kitkat sa pagdating ng itinuturing niyang ”Greatest Blessing.”

Nagpaabot naman ng pagbati kay Kitkat ang ilang mga artista tulad nina Claudine Barretto, Mj Lastimosa, at Danica Pingris.

Noong Pebrero nang i-anunsyo ni Kitkat sa pamamagitan ng social media post ang kanyang pagbubuntis.

August 3, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest