Home ENTERTAINMENT

ENTERTAINMENT

Marian Rivera nilinaw na wala siyang Twitter account

Inulan ng mga pagbati mula sa mga kilalang personalidad at netizens ang aktres na si Marian Rivera.

Ipinagdiwang kasi ng misis ni Dingdong Dantes ang kanyang ika-tatlumpu’t walong kaarawan.

Sumabak din sa photoshoot ang Kapuso actress habang suot ang variety ng ‘black and white clothes’.

Maliban dito, nakunan din si Marian na nakasuot ng black skirt at gold Chanel accessories.

August 13, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
liza soberano

Kumpirmado na ang pagganap ng aktres na si Liza Soberano sa kaniyang kauna-unahang hollywood film na “Lisa Frankenstein” kung saan, makakasama niya ang American actors na sina Cole Sprouse at Kathryn Newton.

Sa isang instagram post, ibinahagi ni Liza ang screenshot ng deadline article kung saan tampok ang nasabing pelikula na debut-film din ng actor-filmmaker na si Zelda Williams.

Bago pa man ang kumpirmasyon ni Liza, usap-usapan na sa social media ang pagiging bahagi nito sa isang hollywood film.

Una nang isiniwalat ng aktres noong mayo na si James Reid na ang bago niyang manager, na miyembro ng US-Based Transparent Arts Group na tumutulong sa mga Asian-American talents.

August 12, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
ALEX GONZAGA MATTEO

Nakiusap ang actor-host na si Matteo Guidecelli sa comedian-actress at tv host na si Alex Gonzaga na tigilan na nito ang panunukso sakaniya on-screen.

Nangyari ang pakiusap ng aktor matapos siyang mag-guest sa isang noon time show kung saan, si Alex ang kaniyang co-host.

Nabatid na sa nasabing variety show, patuloy na tinutukso ni Alex si Matt sa ibang female co-hosts ng programa dahilan para hindi magustuhan ng aktor ang biro ng komediyante.

bago matapos ang programa ay biglang nagbigay ng mensahe si Matt at sinabi na irespeto nalang ang kanilang mga partner dahil nasasaktan siya para sa kaniyang asawa.

Umani naman ng iba’t-ibang reaksiyon sa mga netizen ang ginawang pag-call-out ni Matt kay Alex kung saan, hinangaan din nila ang aktor sa pagiging “green flag” nito sa pagpapakita ng pagmamahal at pag-bigay respeto sa kaniyang asawa na si Sarah Geronimo.

August 12, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
NATALIE HART ENGAGEMENT

Engaged na ang Filipino-Australian actress na si Nathalie Hart sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Brad Robert.

Sa isang instagram post, ibinahagi ni Nathalie ang mga kaganapan sa kanilang engagement, kung saan makikita ang isang backdrop na puno ng rosas at nakasaad ang mga salitang “will you marry me?” Na sinagot niya ng isang matamis na “oo”.

Say pa ng sexy actress, pakiramdam niya ay isa siyang prinsesa nang mga pagkakataong iyon dahil sa labis na tuwa.

Nagpahayag naman ng pagbati ang ilang mga kilalang personalidad gaya nina Regine Tolentino, Coleen Garcia, at Ryza Cenon.

Nakilala si Nathalie sa pagganap nito sa ilang pelikula tulad ng “Siphayo”, “Sin Island”, at “Abay Babes”.

August 11, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
CANDY - QUENTIN

Pinayuhan ng aktres na si Candy Pangilinan ang mga magulang na mayroong anak na may sakit na Autism.

Ayon kay Candy, mahalaga na laging ituro sa anak ang pagiging mapagtiis, mapagparaya at magpasalamat sa mga maliiit na bagay sa mundo.

Inihalimbawa ng aktres ang kaniyang anak na si Quentin kung saan sinabi ng aktres na kinakausap niya itong mabuti, upang maintindihang mabuti ang anak at malaman ang mga dahilan ng tantrums nito.

Isang solo mother si Candy kung saan noong 2021 nang kumpirmahin nito sa publiko ang kaniyang failed marriage.

August 11, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
GARRETT BOLDEN - MISS SAIGON

Proud na ibinahagi ng singer-song writer na si Garrett Bolden ang kaniyang paghahanda para sa nalalapit na Miss Saigon na gaganapin sa Guam.

 Sa isang Instagram post ni Bolden, ipinasilip nito ang larawan ng kaniyang gagamiting Cast ID bago siya lumipad papunta sa nasabing bansa.

 Mababatid na nakilala si Bolden sa larangan ng pagkanta matapos mapabilang sa top 5 finalists ng singing competition ng GMA na ‘The Clash’.

 Samantala gaganap si Bolden bilang si John Thomas na isang amerikanong sundalo at bestfriend ng bidang si Chris Scott sa naturang pagtatanghal.

August 10, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cherie gil

Posibleng i-uwi sa Pilipinas ang labi ng pumanaw na aktres na si Cherie Gil.

Ayon sa isang malapit kay Cherie, may plano ang naulilang pamilya ng aktres na makapiling muna ang labi ng kanilang kamag-anak.

Pumanaw si Cherie dahil sa Endometrial Cancer sa isang ospital sa New York City noong August 5, 2022.

Inilabas naman ito sa publiko noong linggo, August 7 sa pamamagitan ng opisyal na pahayag.

Si Cherie ay kilala sa mga pelikulang ginawa nito tulad ng Huwag Mong Itanong Kung Bakit, Ngayon at Kailanman, Bituing Walang Ningning, at Darna: Ang Pagbabalik.

August 10, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BADJAO GIRL

Isinapubliko ng viral star na si Rita Gaviola o mas kilala bilang Badjao Girl na isa na siyang mommy.

Sa instagram post ni Rita, ipinakita nito ang larawan karga ang kaniyang baby girl habang katabi ang kaniyang partner.

Agad namang sinabihan ng viral star ang kaniyang bashers na huwag mangialam sa kaniyang buhay dahil sarili niya itong desisyon.

Pero sa kabila nito, pinasalamatan ni Rita ang lahat ng sumuporta sa kaniya.

Noong 2016 nag-viral si Rita at nakapasok sa Big Brother House kung saan nakilala siya bilang ‘Badjao Girl ng Lucena’.

Maliban kay Rita, kahapon din ibinuking ni Xian Gaza na isa nang daddy si Xander Ford o kilala bilang Marlou Arizala.

August 10, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
XANDER FORD - MARLOU

Ibinunyag ni Pambansang Marites Xian Gaza na magiging tatay na ang Social Media Influencer na si Marlou Arizala o mas kilala ngayong bilang Xander Ford.

 Sa kaniyang Facebook post, ibinahagi ni Gaza ang naging palitan nila ng mensahe ni Arizala kung saan kinukuha siya nitong ninong ng kaniyang magiging anak.

 Ikinagulat naman ni Xander Ford ang naturang post dahil nakiusap siya kay Gaza na kung maaari ay huwag munang isa-publiko ang balita.

 Samantala, nabatid na balak ni Arizala na isunod ang pangalan ng bata kay Gaza sa pag-asang na lalaki rin aniya itong matulungin, pogi at simple.

August 9, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
MOIRA DELA TORRE

Hindi na napigilang sagutin ng singer-song writer na si Moira dela Torre matapos mabody-shame ng kaniyang basher.

Sa larawang ipinost ni Moira sa kaniyang instagram account, isang netizen ang nagcomment na pumuna sa kanyang katawan at sinabing ang pagkakaroon ng magandang katawan ang hinahanap ngayon ng mga kalalakihan.

Agad naman itong pinatulan ng singer at sinabing “kung magpapapayat man siya, gagawin niya ito para sa kaniyang sarili at hindi para sa mga lalaki.

Ayon pa kay Moira, deserve ng bawat isa na mahalin ng tapat sa sakit man o kalusugan; payat man o mataba.

August 9, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest