Home ENTERTAINMENT

ENTERTAINMENT

JERIC RABIYA

Usap-usapan ngayon sa social media platforms ang balitang hiwalay na raw sina Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo at aktor na si Jeric Gonzales.

Umugong ang katanungan ng mga netizen matapos umanong i-Unfollow ng magkasintahan ang isat-isa sa kanilang Instagram account.

Bukod pa dito, tinanggal narin ni Rabiya ang mga larawan nila ni Jeric sa kaniyang IG na isa sa mga batayan pagdating sa relasyon ng showbiz couples.

Sa kabila nito, nananatili parin sa IG account ni Jeric ang pictures nila together ni Rabiya.

Matatandaang noong Mayo a-29, nagkaroon ng malamang hugot si Rabiya tungkol sa kanyang pagtitiis sa isang bagay na hindi niya umano deserve.

Sa ngayon, deadma ang magkasintahan sa isyu at wala pang kumpirmasyon hinggil sa estado ng kanilang relasyon.

June 21, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
MARC PINGRIS DANICA SOTTO

Buntis sa kanilang ikatlong anak ni Marc Pingris ang aktres na si Danica Sotto.

Ibinahagi ni Danica sa instagram account niya sa mismong selebrasyon ng Father’s Day kahapon ang isang video clip na nagpapakita ng sonogram o resulta ng ultrasound ng kanilang baby number 3.

Tuwang-tuwang nagpasalamat sa Panginoon ang mag-asawa sa anila’y answered prayer ng pamilya.

Sina Marc at Danica ay ikinasal noong March 2007 at may dalawang anak na sina Jean Michael at Anielle Micaela.

June 20, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
ALEXA MIRO

Lumantad na sa publiko ang Girlfiend ng presidential son at Congressman ng Ilocos Norte na si Sandro Marcos.

Pagkumpirma ng kampo ng baguhang sexy actress at singer na si Alexa Miro, 2021 pa ang relasyon nilang dalawa ni Sandro pero ginawa itong pribado dahil mayroong tutol sa kanilang pag-iibigan.

Pero ani Miro, ipinaglaban nila ang kanilang pagmamahalan sa isa’t isa nang tahimik at malayo sa isyu.

Nung nakaraang eleksyon ay tumutulong pa umano si Alexa sa pangangampanya ni Sandro dahil magaling itong kumanta.

Kararating lang din nila sa ilang linggong bakasyon sa Europe.

June 20, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
miel

Nilinaw ng bunsong anak nina Sharon Cuneta outgoing Sen. Kiko Pangilinan na hindi siya isang lesbian.

Ito ay matapos akalain ng ilang netizen na isa siyang ‘Tomboy’ matapos niyang isapubliko na siya ay isang miyembro ng LGBTQIA+ .

Sa kaniyang Instagram story, ipinaliwanag niyang siya ay isang ‘Queer’ o ang term na ginagamit sa mga taong hindi bading, tomboy, bisexual at walang limitasyon ang sekswalidad.

Aniya, hindi rin tomboy ang ibig sabihin kung bakit siya may hawak na pride flag sa kaniyang IG post.

Pasaring pa niya sa ilan, ‘If you’re going to inform people, inform yourself first’ at mas makakabuti raw na basahin muna ang kaniyang post bago ang post tungkol dito.

Paalala pa ni Miel, mas maraming pang identidad sa mundo bukod sa pagiging bakla at tomboy.

June 19, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
ELISSE-FELIZE-MCCOY

Isang pre-Father’s Day surprise ang inihanda ng aktres na si Elise Joson sa kanyang partner at baby daddy na si McCoy de Leon.

Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ni Elise ang litrato kasama si McCoy at ang kanilang cute baby girl na si Felize.

Hindi naman naitago ng aktres ang kaniyang pagiging sweet at pasasalamat sa partner kung saan tinawag niya itong ‘best dad’.

Masuwerte rin daw si Felize dahil sa McCoy ang ama nito.

June 19, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
janellaaa

Humingi ng privacy at pagrespeto ang aktres na si Janella Salvador sa kaniyang mga fans sa gitna ng hiwalayan umano nila ni Markus Paterson.

Ayon kay Janella, okay na okay naman sila ni Markus lalo na para sa kabutihan ng kanilang anak na si Jude.

Bagaman aminado na hindi mapipigilan na may sasabihin ang publiko, umaasa si Janella na igagalang pa rin sila ng mga netizens.

Nagsimula ang mga espekulasyon ng hiwalayan nina Janella at Markus nang hindi nakapunta si Janella sa Birthday Celebration ni Paterson.

June 19, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
vico

Kinagigiliwan ngayon ng netizen ang mala- ‘food blog’ na review ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa kaniyang instagram stories.

Nagsimula ito nang ibahagi ni Vico sa kaniyang social media account ang mga litrato ng kaniyang pagkain na may nakakatawang caption gaya ng:

“Shake: okey pero di kasya sa straw yung mga ano.

“Score: 8/10. Where to buy: di ko alam sa baba yata nila binili,”

“Litson baka masarap naman pero mas masarap nung bagong labas siya

Ginaya naman ng kaniyang followers ang ‘food blog’ ni Vico kung saan isa pa sa mga ito ang nag-review ng gamugamo sa kaniyang plato.

Biro ng alkalde, hindi raw sineseryoso ng netzens ang food blogging at dahil dito ay magku-quit na lamang siya.

Pabiro rin itong nakiusap sa mga media na nagpa-follow sa kaniya sa IG na huwag na itong ibalita pa dahil nag-iiba na ang dating niya kapag nasa balita na.

June 18, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
JUNE 18

Kinumpirma na ng aktor na si Tom Rodriguez ang pagiging divorce nila ng kaniyang asawang si Carla Abellana.

Isang araw ito matapos sumagot si Carla sa isang komento sa kaniyang YouTube video kung saan sinabi ng aktres na naranasan niya ang pagiging ‘“disrespected, shamed, lied’ at iba pang karanasan kasama si Tom.

Hindi naman nilinaw ng aktor kung ano ang dahilan ng kanilang paghihiwalay ni Carla pero tiniyak nito na hindi niya sinaktan itong pisikal.

Ito na ang huling pagkakataon ayon kay Tom na maglalabas siya ng pahayag dahil malalabag na niya ang Gag order na inilabas ng kanilang mga abogado.

Noong October 2021, ikinasal sina tom at carla habang nitong marso ngayong taon umugong ang kanilang hiwalayan dahil umano sa isang third-party.

June 18, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
janella salvador

Umapela ang aktres na si Janella Salvador sa kaniyang fans na respetuhin ang kaniyang privacy sa gitna ng mga espekulasyon ng publiko hinggil sa kanilang breakup ni Markus Paterson.

Ayon sa aktres, hindi maiiwasan na magsalita ang publiko pero umaasa siyang rerespetuhin ng mga ito ang nangyayari.

Nilinaw naman ni Janella na “okay” sila ng ama ni Jude.

Samantala, nagsimula ang mga espekulasyon ng hiwalayan ng dalawa nang umano’y hindi sumulpot si Janella sa birthday celebration ni Paterson.

June 17, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BB GANDANGHARI

Nagpaabot ng pakikiramay si BB Gandanghari matapos pumanaw ang ama ng kaniyang ex-wife na si Carmina Villaroel.

 Sa naging post ni Carmina sa kaniyang Instagram account, agad na nag-comment si BB Gandanghari kung saan, ipinagmalaki niya na swerte siyang nakilala ang ama ng kaniyang ex-wife na si Reggie Villaroel.

 Sinabi ni Bb Gandanghari na isa ang ama ni Carmina sa mababait at cool na taong kaniyang nakasama kaya sobra ang kaniyang respeto dito.

June 17, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest