Home ENTERTAINMENT

ENTERTAINMENT

RAFAEL CALINISAN

Sinorpresa ni National Police Commission Chief Rafael Calinisan ang kanyang kasintahang si Dawn Chang matapos niyang pormal na alukin ito ng kasal.

Nangyari ang engagement proposal sa gitna ng game show na “Deal or No Deal,” kung saan guest player si Chang.

Ibinunyag din ng host ng game show na si Luis Manzano na nag-usap sila ni Calinisan upang maisakatuparan ang pormal na proposal.

Nauna nang inanunsyo nina Calinisan at Chang na magpapakasal sila sa darating na Disyembre. | Sa panulat ni Anjo Riñon

October 18, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
Lyca Gairanod

“Wala akong tiwala sa politics!”
Ito ang sinabi ng singer na si Lyca Gairanod bilang kanyang katahimikan matapos maungkat ang pagtatanghal niya sa isang political rally noong 2022 presidential election campaign.

Ginawa ni Lyca ang pahayag sa kanyang TikTok livestream matapos siyang tanungin ng mga fans tungkol sa insidente.

Dagdag pa ng singer, wala siyang dapat patunayan sa mga tagahanga dahil nagtatrabaho lamang siya para sa kanyang pamilya, at wala itong anumang kahulugan sa mundo ng politika. | Sa panulat ni Anjo Riñon

September 20, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
niño muhlach

Binawi na ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng aktor na si Niño Muhlach matapos itong mabangga sa ilang establisimyento sa Antipolo City.

Batay sa imbestigasyon ng LTO, lumabas na napagod si Muhlach habang nagmamaneho at kalauna’y inararo ang ilang tindahan.

May nadamay rin na isang indibidwal na nasugatan sa insidente, na kinilala ng mga otoridad na si Nicolas Villanueva.

Dahil dito, napatunayang lumabag si Muhlach sa batas-trapiko at idineklarang “improper person to operate a vehicle,” kung saan pinatawan ito ng dalawang taong diskwalipikasyon sa pagmamaneho ng anumang sasakyan.

Nananatili ring nasa alarm status ang sasakyan ni Muhlach na nadamay sa insidente.

Samantala, dinepensahan naman ng asawa ni Muhlach na si Diane Abby Tupaz ang pag-alalay ng kanyang mister kay Villanueva at sa pamilya nito.

Ayon kay Tupaz, tuloy-tuloy ang pagtulong ni Muhlach upang tiyaking nabibigyan ng atensyong medikal si Villanueva. | Sa panulat ni Anjo Riñon

September 17, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
Nawawalang cellphone ni Lans, naibalik ng PNP Malay

Naibalik ng mga tauhan ng Malay Municipal Police Station sa Aklan ang nawawalang mobile phone ng content creator na si Louise Anne Nagal, o mas kilala bilang “Lans.”

Nabatid na nagbabakasyon si Nagal sa Boracay nang mawala ang kanyang cellphone, ngunit natunton ito sa tulong ng isang lokal na residente.

Personal namang ibinalik ng Malay PNP ang phone ni Lans.

Pinuri naman ni Malay Chief of Police Lt. Col. Orlando Carag Jr. ang kanyang mga tauhan sa mabilis na pagresponde sa insidente. | Sa panulat ni Anjo Riñon

August 5, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
FORGOTTEN ISLAND MOVIE

Inilabas na ng P-pop girl group na BINI ang kanilang bagong kanta na pinamagatang “A Parallel World,” na bahagi ng soundtrack ng pelikulang “Forgotten Island,” na nakatakdang ipalabas sa mga pinilakang tabing sa Pilipinas sa Setyembre 23.

Nabatid na hango sa Filipino folk tales ang naturang pelikula, na pinagbibidahan nina Liza Soberano at ng Fil-Am singer-songwriter na si H.E.R.

Kabilang din sa official soundtrack ng “Forgotten Island” sina Lea Salonga, Ruby Ibarra, Carl Angelo, Sophia Laforteza, at ang mga pop groups na SB19 at KATSEYE.

Samantala, bukod sa performance ng BINI para sa kanta habang nasa Estados Unidos sila para sa Coachella Music Festival, tampok din sa music video ang ilang eksena mula sa pelikula. | Sa panulat ni Era Dela Cruz (OJT)

July 24, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
lovi poe

Manifesting ang aktres na si Lovi Poe, na mapasama sa remake ng isa sa mga pelikulang pinagbidahan ng kanyang ama na si Fernando Poe Jr.

Ito ang unang inihayag ni Lovi kasunod ng isinagawang welcome party ng Star Magic matapos pumirma ng kontrata.

Ayon kay Lovi, maituturing niyang dream project ang maging bahagi ng naturang pelikula.

Samantala, aminado ang aktres na mahirap pagsabayin ang pagiging artista at pagiging ina, ngunit naniniwala siyang kaya niya itong pagsabayin.

Bagaman sinubukan niyang bumuo ng hiwalay na pagkakakilanlan gamit ang “Lovi” Bilang isang singer, kalaunan ay tinanggap niya rin ang apelyidong “Poe” At pinararangalan ang malaking impluwensya ng kanyang ama sa industriya ng showbiz. |sa panulat ni Era Dela Cruz.

 

 

 

July 23, 2026 0 comment
1 Facebook Twitter Google + Pinterest
Matteo Guidicelli, muling nakasalamuha si Cardinal Tagle sa isang simbahan sa Cavite

Muling namataang magkausap ang aktor na si Matteo Guidicelli at si Cardinal Luis Antonio Tagle.

Batay sa impormasyong nakalap ng DWIZ, umuwi ng Pilipinas si Cardinal Tagle upang magmisa sa Our Mother of Perpetual Parish sa Bacoor, Cavite, Miyerkules ng hapon at pasinayaan ang kakatapos lamang na interior ng naturang simbahan.

Sa kanyang social media post, sinabi ni Matteo na, bagaman mabilis ang takbo ng buhay, mahalaga rin na huminto at magnilay; at nagpapasalamat siya sa Cardinal sa pagbabahagi nito ng espirituwal na paggabay.

Hindi pa tukoy kung kasama ni Matteo ang kanyang misis na si Sarah Geronimo sa naturang pagbisita sa nasabing simbahan.

Matatandaang bumisita rin ang mag-asawang Matteo at Sarah noong nakaraang Pasko upang mangaroling kasama ang kura paroko ng naturang simbahan na si Fr. Mark Anthony Reyes. | Sa panulat ni Anjo Riñon

July 16, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
awra

Sumailalim sa rhinoplasty ang aktres at content creator na si Awra Briguela.

Sa kanyang vlog, ibinahagi ni Awra ang kanyang rhinoplasty journey mula sa consultation, surgery, hanggang sa pagtanggal ng stitches at bandages.

Ayon sa dating child star, matagal na niyang gustong ipagawa ang kanyang ilong.

Sinuportahan naman si Awra ng kanyang fans at mga netizens, kung saan sinuggest ng isang fan ang pagpapagawa nito ng dibdib.

Tugon naman ni Awra: “Yes, step by step!”

July 16, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BANDANG TEETH

Muling magtatanghal ang veteran alternative rock band na Teeth bilang pagdiriwang ng ika-33 anibersaryo nito.

Magsisimula ang reunion concert ng Teeth sa Agosto 30 sa Singapore bago magtanghal sa Maynila, Davao, Iloilo, at Cebu sa Setyembre.

Kaugnay nito, ilalabas ng banda ang limited edition remastered version ng kanilang self-titled debut album, na ire-release bilang standard black vinyl at isinaayos ng tanyag na sound engineer na si Shinji Tanaka.

Nabatid na unang inilabas ng Teeth ang kanilang debut album noong 1995, kung saan sumikat ang kanilang mga kantang “Laklak” at “Prinsesa.”

Umabot naman sa mahigit walumpung libong kopya ang debut album ng Teeth, dahilan kaya nakamit nito ang double platinum certification mula sa Philippine Association of the Record Industry. | Sa panulat ni Anjo Riñon

July 15, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, opisyal nang medical school student

Opisyal nang naka-enroll si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo bilang estudyante ng University of Santo Tomas Faculty of Medicine and Surgery.

Ito’y matapos niyang makakuha ng General Performance Score na 741 sa nagdaang National Medical Admission Test noong Marso.

Bago pa man maging isang beauty queen, nagtapos bilang cum laude si Rabiya sa kanyang bachelor’s degree sa Physical Therapy sa Iloilo Doctors’ College noong 2018.

Samantala, proud naman ang kasintahan ng beauty queen na si Jake Cuenca na matutupad na rin ang pangarap nitong maging isang doktor. | Sa panulat ni Anjo Riñon

July 14, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
Newer Posts