Pinauuwi na ng pamahalaang panlalawigan ng Albay ang mga evacuees mula sa limang bayang kanilang nasasakupan.
Ito’y makaraang ibaba na ng PHIVOLCS o Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa level 2 ang alerto sa Bulkang Mayon nitong Huwebes Santo, Marso 29.
Ayon sa PHIVOLCS, nabawasan na ang mga aktibidad na ipinapakita ng bulkan kabilang na ang crater glow at hindi na rin ito nagpapakita ng lava effusion mula pa noong Marso 18.
Tinatayang aabot sa humigit kumulang 1,300 pamilya ang inilikas at nanatili pansamantala sa mga evacuation center ng ilang buwan mula nang mag-alburuto ang Bulkang Mayon.