Nagsagawa ng earthquake drill sa lalawigan ng Bulacan kaninang umaga.
Tampok sa drill ang isang minutong simulation ng magnitude 7.2 na lindol.
Lumahok sa paglikas mula sa mga classroom ang mga mag-aaral ng Ebenezer Christian Academy sa Norzagaray na malapit sa Ipo Dam.
Ang mga estudyante ay pinahawak din ng floaters na kailangan sakaling mawasak nang pagyanig ang mga kalapit na linya ng tubig.
Sa San Jose del Monte City, ginawa rin ang mga tagpong kailangang paghandaan pagtapos ng lindol kabilang ang rescue operations, aksidente sa lansangan, sunog at looting sa mga mall.
Nagsilbi namang observers sa nasabing earthquake drill ang ilang opisyal ng MMDA.
By Judith Larino