Home NATIONAL NEWS Pag-IBIG financed homes increase 15% to over 68,000 in nine months, socialized housing grows 173% under Marcos’ Expanded 4PH

Binatilyo, nagtangkang tumalon sa Cellsite Tower sa Bulacan

by DWIZ 882 February 18, 2022 0 comment
BULACAN

Isang binatilyo ang nagtangkang tumalon mula sa isang cellsite tower sa San Miguel, Bulacan.

Ayon sa San Miguel Municipal Police, nakatanggap sila ng ulat mula sa mga residente ng Barangay Camias na may isa umanong lalaki ang umakyat sa tower na tila tatalon.

Napag-alaman ng mga otoridad na disi sais anyos pa lang ang lalaki na dumaranas ng matinding depresyon.

Agad rumesponde ang San Miguel Rescue, BFP. – san miguel at ang first scout ranger regiment upang pigilan ang lalaki sa kanyang tangkang pagpapakamatay.

Sa tulong ng mga residente at pagpupursige ng mga rescuer, napapayag ang binatilyo na bumaba sa tore makalipas ang apat na oras.

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment