Dalawang sundalo na naman ang nasawi sa pagpapatuloy ng bakbakan sa pagitan ng militar at grupong Maute sa Marawi City.
Ayon kay Joint Task Force Ranao Deputy Commander Colonel Romero Brawner Jr., nangyari ang firefight kagabi sa patuloy na pagsisikap ng gobyerno na mabawi ang siyudad mula sa mga terorista.
Dahil dito umabot na sa 155 ang mga nasawi mula sa tropa ng gobyerno.
Labing tatlo (13) naman ang nasawi sa mga Maute kaya sa kabuuan ay umabot na sa 749 ang mga namatay sa panig ng mga terorista.