2 Pilipino ang bahagyang nasugatan sa 7.2 magnitude na lindol sa Taiwan.
Ito ang kinumpirma ni Migrant Workers Officer-In-Charge Hans Cacdac
Wala pang natatanggap ang Department of Migrant Workers na ulat hinggil sa mga pilipinong nawalan ng tirahan, dahil sa pagyanig sa Taiwan.
Samantala, umabot na sa 9 ang bilang ng mga nasawi habang mahigit 900 iba pa ang nasugatan matapos ang malakas na lindol na tumama sa Taiwan
Samantala, limampung hotel workers naman ang nawawala habang patungo sana sa isang National Park nang maganap ang malakas na lindol.
Iniulat ng National Fire Agency na nagmula ang mga nasawi sa hualien country, na epicenter ng lindol.
Mahigit kalahati ng tinatayang 96 na gusali ang gumuho, kung saan, mahigit kalahati sa mga ito ang nasa Hualien , at nasa 20 katao ang pinangangambahang na-trap sa mga gumuhong gusali. – sa panunulat ni Charles Laureta