Sumadsad sa 5% sa ikaapat na kwarter ng 2021 ang bilang ng mga indibidwal na ayaw magpabakuna kontra COVID-19 mula sa 22% noong ikatlong kwarter.
Batay sa pag-aaral ng OCTA Research Group sa mahigit 1K kalahok sa isinagawang survey, 89% dito o ng mga Pilipino ang nais magpabakuna laban sa nasabing sakit kung saan mas mataas ito sa 61% na naitala noong ikatlong kwarter noong nakaraang taon.
Samantala, sinabi ni Department of the Interior Ang Local Government Undersecretary Jonathan Malaya, bagaman bumaba ang vaccine hesitancy ay marami pa ring ayaw mabukanahan kontra COVID-19 dahil sa nagkalat na fake news sa social media. —sa panulat ni Airiam Sancho