Home NATIONAL NEWS Halos dalawang milyong pasahero, inaasahang dadagsa sa PITX ngayong Undas

Malacañang, ipinahayag na posibleng alising ang ‘No Vaccination, No Ride’ policy sakaling bumaba sa alert level 2 ang NCR

by DWIZ 882 January 27, 2022 0 comment
NO VACCINATION, NO RIDE

Inihayag ng Malacañang na posibleng alisin na ang ipinatupad na “No Vaccination, No Ride” policy sakaling bumaba sa alert level 2 ang NCR.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, para lamang sa alert level 3 o mas mataas pa ang nasabing polisiya.

Ipinaliwanag din niya sa kabila ng mga kritikong natatanggap na may legal na basehan ang paghihigpit sa pampublikong transportasyon dahil ito ay ipinatupad matapos maglabas ng ordinansa ang mga lokal na pamahalaan hinggil dito.

Samantala, muling sinabi ni Nograles na para sa proteksyon ng mga hindi pa bakunado ang naturang polisiya. —sa panulat ni Airiam Sancho

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment