Dismayado ang Malacañang sa hiling ng isang International Criminal Court (ICC) prosecutor na imbestigahan muli ang kontrobersyal na war on drugs sa Pilipinas.
Ayon kay Acting Presidential spokesperson Sec. Martin Andanar, sa ika-siyam na pagkakataon ay nagpahayag nang pagkayamot ang palasyo sa request ni ICC Prosecutor Karim Khan na muling buksan ang imbestigasyon.
Tila hindi umano nito nakita ang magandang idinulot ng war on drugs sa krimen sa Pilipinas.
Inilunsad ang Anti-Illegal Drug Campaign sa pakikipagtulungan ng Administrasyon Duterte sa Department of Justice, Philippine National Police at iba pang ahensiya na nagpakita ng transparency sa bawat kaso.