Tiniyak ng Department of Budget and Management na babalik sa Bureau of Treasury ang 60 Milyong Pisong ibinayad na ad placement ng Department of Tourism sa state run TV network na PTV 4.
Ayon iyan kay Budget Secretary Benjamin Diokno ay kung tutuparin nga ng Bitag Media Unlimited Inc. na pagmamay-ari ng brodkaster na si Ben Tulfo ang pangako nito na ibabalik ang ibinayad sa kanila bilang komisyon sa naturang advertisement.
Ayon kay Diokno, magiging bahagi ang naturang salapi ng general fund na maaaring magamit ng pamahalaan sa sandaling maipasa ng Kongreso ang 2019 General Appropriations Act o pambansang budget para sa susunod na taon.
Magugunitang lumutang sa annual audit ng Commission on Audit ang nabanggit na halaga na ibinayad ng PTV 4 sa Bitag Media para sa commercial spots ng DOT ng walang kaukulang dokumento tulad ng Memorandum Of Agreement at Certificate of Performance.