Kumakain ka ba ng itlog na maalat?
Alam niyo bang hindi lang pang-partner sa kamatis at sinangag ang itlog na maalat o salted egg… may taglay din pala itong sustansya!
Ayon sa mga eksperto, puno ito ng lutein, calcium, potassium, at choline na nakatutulong sa mata, buto, balat, at utak ng tao.
Ngunit, hinay-hinay lang sa pagkain nito dahil mataas sa sodium content ang salted egg na maaaring magdulot ng sakit sa puso at pagtaas ng blood pressure.
Kaya’t mga kababayan, enjoy sa pagkain ng itlog na maalat sa tamang dami lang dahil kahit ito’y masarap lahat ng sobra ay nakasasama sa ating kalusugan!