Kukuha ng tips si Labor Secretary Silvestre Bello III kay DENR Secretary Roy Cimatu para maging matagumpay ang pagtutok niya sa kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Marikina at Malabon.
Kasunod na rin ito nang paghahati hati sa mga cabinet secretary sa pagtutok sa mga lugar sa Metro Manila upang mapababa ang kaso ng COVID-19.
Sinabi sa DWIZ ni Bello na magsisilbi silang overseer tulad nang naging trabaho ni cimatu na tumutok sa mga kaso ng COVID-19sa Cebu.
Ang hakbang aniya ay bilang tulong na rin kay national task force on COVID-19 Response Chief Implementer Carlito Galvez.
Kailangan tutokan o focus ‘yan so para matiyak na maalagaan ang lahat ng lungsod atchaka bayan dito sa NCR. Binigyan nalang kami ng kanyang-kanyang assignments talagang mababantayan namin ‘yung sa pagsusunod sa protocols, pagsusunod sa quarantine rules. Para sa ganun maiwasan natin ang pag-transmit ng COVID-19 sdito sa NCR. Ako magco-compare ako kay Sec. Cimatu para alamin paano ang ginawa niya from ECQ naging MGCQ na sila. ani Bello sa panayam ng DWIZ