Inihayag kahapon ni Transportation Sec. Jun Abaya ang agarang implimentasyon ng bagong security policy sa Ninoy Aquino International Airport, ito ay ang pagbabawal sa sinumang tauhan o empleyado ng NAIA na humawak, gumalaw at maghalukay ng bagahe ng mga pasahero.
Kasunod ito ng pagpapasimula ng isang malalimang imbestigasyon sa nauusong ‘tanim-bala’ na uri ng extortion racket sa NAIA.
Sinabi ni Sec. Abaya na tatapusin muna nila ang isinasagawang imbestigasyon bago pa buoin ang kongkretong solusyon para sa mga panawagang pagbitiwin sa pwesto si Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Angel Honrado.
Ganito rin ang posisyon ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III base sa inilabas na pahayag ng Malacañang.
By: Mariboy Ysibido