Nagkasundo sina Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim at Pang. Ferdinand Marcos Jr. na gumamit ng bagong antas ng pagkompronta o pagtugon sa isyu sa West Philippine Sea (WPS) sa pamamagitan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) upang makamit ang mapayapang resolusyon.
Ito ang sinabi ni Anwar matapos itong makipagpulong kay Pang. Marcos, kasama ang mga miyembro ng gabinete, sa palasyo ng Malacañang kagabi.
Ang Pilipinas at Malaysia ay kasama sa mga claimants sa pinag-aagawang teritoryo sa WPS.
Bukod sa isyu sa rehiyon, sinabi ni Anwar na natalakay din sa bilateral meeting nila ni PBBM ang ugnayang pangdepensa at pangseguridad ng dalawang bansa na aniya’y nananatiling matatag at lumalago.
Nabanggit din ng Malaysian leader ang kalagayan ng mga Pilipino sa kanilang bansa kung saan pinayuhan nito ang Marcos administration na makipagtulungan sa Kuala Lumpur para sa agarang repatriation ng mga ito.