Inaasahang iaanunsiyo ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang bagong alert level system sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ito ay ayon kay PCOO Asec. Jv Arcena, bukas, March 15, 2022 na nakatakda nang ilabas ang mga bagong alerto na ipatutupad sa bawat lalawigan o mga lugar.
Sa ngayon isinasapinal na ng task force ang mga paiiraling alert level system simula March 16 hanggang katapusan ng buwan.
Matatandaan na una nang ipinanawagan na ilagay na sa alert level 1 ang lahat ng lugar sa bansa dahil base sa datos ng pamahalaan patuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19.—mula sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)