Mayroon pang apat na kasalukuyang isinasailalim sa isolation dahil sa posibilidad na pagtataglay ng nakamamatay na sakit na Middle East Respiratory Syndrome Corona Virus o MERS CoV.
Ito ang kinumpirma ng Research Institute for Tropical Medicine o RITM bukod pa sa 36-anyos na banyagang nagtataglay ng sakit gayundin sa babaeng nakahalubilo nito.
Ayon kay Dra. Socorro Lupisan, magkakahiwalay na nagtungo sa kanila ang apat para magpatingin dahil sa nararanasang sintomas na tulad ng lagnat, ubo at sipon.
Nagpasya ring isalang ang mga ito ani Lupisan sa isolation dahil na rin sa kanilang travel history kaya’t idinaan sila sa mga kaukulang pagsusuri.
Una rito, nasa stable nang kundisyon ang banyagang una nang napaulat na apektado ng MERS habang nag-negatibo naman ang babaeng nakahalubilo nito.
By Jaymark Dagala