Apat na bansa ang nagsumite ng kanilang intensiyon na maging host ng 2026 Women’s Asian Cup.
Ayon sa Asian Football Confederation (AFC), kinabibilangan ito ng Saudi Arabia, Australia, Jordan at Uzbekistan.
Mababatid na sa apat na mga bansang nabanggit ay tanging ang Saudi at Uzbekistan na lamang ang hindi pa nakapag-host ng nasabing torneo.
Inihayag naman ng AFC na makikipag-ugnayan sila ng bidding member association upang malaman ang magiging susunod na host at ma-ianunsyo sa 2023.