Sumampa na sa 24 ang bilang ng mga nasawi bunsod ng malawakang pagbaha sa Kampala, Uganda.
Ayon kay Uganda Red Cross Spokesperson Irene Nakasita, nakita sa pamamagitan search and retrieval operations ang 21 bangkay sa Mbale at tatlo naman sa Kapchonwa.
Matatandaan na una nang naiulat ang 10 katao na nasawi.
Samantala, kasalukuyan na ring inihahanda ng mga otoridad ang relief operations para naman sa mga naapektuhang residente.