Lumahok na ang Norway sa pandaigdigang inisyatibo na naglalayong makakalap ng pondo matapos ipagbawal ni US President Donald Trump ang pagbibigay ng financial aid sa isang grupo na nagsasagawa ng abortion campaign.
Una nang nangako ng $10 million ang The Netherlands para sa kampanya habang nagpahayag din ng suporta ang Sweden, Denmark, Belgium, Luxembourg, Finland, Canada at Cape Verde.
Ayon kay Prime Minister Erna Solberg, dinagdagan na nila ang pondo para sa family planning at safe abortion sa kanilang bansa.
Matatandaang inatasan ni Trump ang mga overseas organizations na tumatanggap ng US Family-planning funds na kumpirmahin na hindi sila nagsasagawa ng aborsiyon o nagbibigay ng abortion advice bilang paraan ng family planning.
By Jelbert Perdez