Tiniyak ni Senate Committee on Urban Planning and Housing Chairman JV Ejercito na magiging aktibo sila sa pagtulong at pagtiyak ng maayos at mabilis na rehabilitasyon sa Marawi City.
Ayon kay Ejercito, may mga nakatakda na siyang kausaping consultants para bumuo ng rehabilitation plans na maaaring ipresenta sa pamahalaan.
Dagdag ni Ejercito, oras na maging stable na ang Marawi City ay bibisita sila sa lungsod para personal na makita ang sitwasyon at masuri ang mga pangangailangan sa pabahay ng mga naapektuhan ng bakbakan.
Giit ng senador, hindi na dapat maulit ang nangyari sa mga biktima ng Yolanda na natagalan ang pagbibigay ng pabahay.
By Krista De Dios | With Report from Cely Bueno