Ilang araw bago ang halalan, lumabas sa resulta ng isang survey na nangungunang alalahanin ng mga botanteng Pilipino ang pagkakaroon ng abot-kayang presyo ng mga bilihin at serbisyo.
Batay sa survey ng OCTA Research, 53% ng mga respondent ang nagsabi na nais nilang bumaba ang presyo ng mga bilihin; habang 50% naman ang pabor sa mas maayos na healthcare system sa bansa.
47% naman ng mga botante ang prayoridad ang pagpapalakas sa sektor ng agrikultura; 41% naman ang nais na dumami ang oportunidad para sa mga manggagawa; at 38% ang gustong matugunan ang kahirapan sa bansa.
Isinagawa ang survey sa 1,200 respondents noong Abril 10 hanggang Abril 16.—sa panulat ni John Riz Calata