Nakatakda nang sampahan ng kaso ang 9 na pulis na sangkot sa shooting incident sa Jolo Sulu noong Hunyo 29 na ikinamatay ng apat na sundalo.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief Lt. General Gilbert Gapay, kabilang sa isasampang kaso sa 9 na akusadong puli ang murder at planting of evidence.
Habang ilang opisyal din ng Jolo PNP ang sasampahan naman ng reklamong neglect of duty.
Dagdag ni Gapay, naisumite na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kanilang report at rekomendasyon sa Department of Justice (DOJ).
Iginiit ni Gapay, nais nilang lumabas ang katotohan sa insidente gayudin ang motibo nito.