Naniniwala ang mahigit walumpung porsyento ng mga Pilipino na mas lumala pa ang korapsyon sa bansa.
Batay ito sa pinakabagong Pahayag 2025 Third Quarter Survey na isinagawa noong September 27 hanggang 30 ngayong taon.
Ipinakita sa datos na pare-pareho ang sentimyento sa lahat ng rehiyon, na nagpapakita ng malawakang pagdududa ng publiko sa mga kampanya laban sa katiwalian.
Dagdag pa rito, apatnapu’t siyam na porsyento ng mga Pilipino ang nagsabing parehong may pananagutan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ang Kamara sa isang trilyong budget realignments mula noong 2023 hanggang 2025.
Samantala, naniniwala ang apatnapu’t isang porsyento ng mga Pilipino na dapat isauli muna ang ninakaw na pondo bago kasuhan ang mga sangkot sa mga katiwalian sa pamahalaan.




