Inihayag ng World Health Organization (WHO) na ilang gamot ang nakitaan na naglilimita sa posibleng malubhang dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa isang pasyente.
Ito’y batay sa pagsusuri ng Geneva based WHO na nangunguna sa pagde-develop ng mga ligtas at epektibong bakuna laban sa COVID-19.
Ayon sa tagapagsalita na si Margaret Harris, nasa apat o limang gamot ang nakitaan ng positibong epekto sa COVID-19.
Ngunit hindi pa ito nakikita bilag gamot na makakapatay o makakapagpatigil sa pagkalat ng naturang virus.
Ani Harris, itinuturing nila ang coronaviruses bilang “very tricy viruses” na mahirap talagang hanapan ng bakuna laban dito.