Home NATIONAL NEWS Isa pang babaeng biktima ng karahasan ng kinakasamang pulis, nagpasaklolo sa Napolcom

3 patay matapos pagtatagain sa Cebu

by DWIZ 882 February 9, 2019 0 comment
cebu

Patay ang tatlong magkakapatid makaraang pagtatagain ng isang lalaking nag-amok sa Barangay Perrelos, Carcar City, Cebu.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Carmelito Garces, Conrado Garces, at Eufronio Garces, Jr., pawang residente sa lugar.

Nabatid na naglalaro ng dama sa loob ng isang barong-barong ang mga biktima nang biglang dumating ang salarin at pinagtataga ang mga ito.

Sa isinagawang hot pursuit operation, agad namang nahuli ng mga pulis ang suspek sa pananaga pero patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang motibo sa naturang krimen.

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment