Pumalo sa 216 na mga volcanic earthquakes ang naitala ng PHIVOLCS sa Bulkang Taal nitong nakalipas na magdamag.
Ayon sa PHIVOLCS, ang naturang mga volcanic earthquakes ay karaniwang tumatagal ng isa hanggang 32 minuto.
Bukod pa rito, may naitala ring 177 na mga volcanic tremors.
Dahil dito, nananatili pa ring nasa alert level 2 ang Bulkang Taal dahilan para ipagbawal pa rin ang pagpasok ng mga residente sa permanent danger zone ng bulkan.