Maraming red flags na nakita ang Senate Committee on Finance sa National Expenditure Program para sa national budget sa taong 2026.
Ito, ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, ay matapos ang kanilang naging inisyal na pagsusuri sa N-E-P.
Anya, malabo ang inirekomenda ni Senador Lacson na i-adopt o ipasa ang buong National Expenditure Program dahil maaaring magtuloy-tuloy lang ang korapsyon na nagaganap partikular sa flood control projects ng DPWH.
Binigyang-diin ni Senador Gatchalian na hindi niya papayagang maulit ang garapalang katiwalian na nangyari sa 2025 budget at tiniyak na tuloy-tuloy ang kanilang imbestigasyon ukol dito.