Mapapakinabangan na ng mga national athletes at coaches ang 20% discount sa mga serbisyo at produkto ng maraming establisimyento.
Ito’y makaraang ipaliwanag ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act 10699 o ang National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act.
Para ma-avail ang diskwento, maaaring magpakita ang mga atleta ng ID at booklet sa mga business establishments na tulad ng requirements na hinihingi sa mga senior citizens