(Updated)
Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa nangyaring pagsabog sa Isulan, Sultan Kudarat, kagabi
Sa pulong balitaang ipinatawag ni Philippine National Police o PNP Spokesperson Senior Superintendent Benigno Durana, kinilala nito ang ikalawang nasawi na si Marialyn Lado.
Nasawi si Lado habang nasa Sultan Kudarat Provincial Hospital matapos malagay sa kritikal na kondisyon.
Dahil dito, isa na lamang ang nasa kritikal na kondisyon habang nasa 12 pa rin ang nagtamo ng minor injuries.
Samantala, inanunsyo na rin ni Durana ang bagong Provincial Director ng Sultan Kudarat sa katauhan ni Senior Supt. Reynaldo Felestino kapalit ng sinibak na si Senior Supt. Noel Rizano.
Habang si Supt. Junny Buenacosa naman ang uupo bilang bagong Chief of Police kapalit ng sinibak na si Supt. Celestino Daniel.
Blast site kung saan naganap ang ikalawang pagsabog sa Isulan, Sultan Kudarat kagabi. | via @jaymarkdagala Photo Credit: Net Ortiz-DWIZ Correspondent GenSan pic.twitter.com/CgECNC16ib
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) September 2, 2018
TINGNAN: Mga sugatang biktima sa panibagong pagsabog na nangyari sa loob ng isang internet cafe kagabi sa Isulan, Sultan Kudarat. | via @jaymarkdagala pic.twitter.com/W09Xe3Yl03
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) September 2, 2018
Kasalukuyang naka-lock down ang Isulan habang patuloy na iniimbestigahan ang naturang pagsabog.
Magugunitang wala pang isang linggo ang nakalilipas nang maganap ang unang pagsabog sa Isulan kung saan ikinasawi ito ng tatlo katao.
Davao PNP naka-full alert matapos ang panibagong Isulan blast
Samantala, itinaas na sa full alert status ng Philippine National Police Region 11 ang lahat ng kanilang police units.
Kasunod ito ng panibagong pagsabog sa Isulan Sultan Kudarat kagabi na ikinasawi isang 18-anyos na binatilyo at ikinasugat ng nasa labing limang (15) iba pa.
Ayon kay Police Regional Office 11 Spokesperson Chief Inspector Milgrace Driz, inatasan na ni PRO 11 Director Chief Superintendent Marcelo Morales ang lahat ng kanilang police units na paigtingin pa ang ipinatutupad nilang seguridad sa rehiyon.
Ipinag-utos na rin nito ang mas mahigpit na intelligence monitoring at pakikipag-ugnayan sa iba pang law enforcement agencies.
Jennelyn Valencia / Krista de Dios / (Ulat ni Jaymark Dagala)