Itinanggi ng dating maintenance provider ng MRT-3 na sila ang nasa likod ng umanoy pananabotahe na naging sanhi ng pagkalas ng isang bagon sa tren habang tumatakbo sa riles noong nakaraang lnggo.
Ayon kay Atty. Charles Mercado, tagapagsalita ng BURI o Busan Universal Rail Incorporated, naniniwala silang hindi kasama ang BURI sa mga pinaghihinalaan ng Dept. of Transportation na sumasabotahe sa MRT-3.
Gayunman kinwestyon ni Mercado kung paano nawala ang MESSMA Card o black box ng nakalas na bagon gayong dumadaan anya sa apat na lebel ng inspeksyon ang lahat ng parte ng tren araw-araw.
Sa halip anya sa isyu ng nawawalang MESSMA Card, dapat ituon na lang ng DOTR ang kanilang atensyon sa anyay palpak na disenyo ng tren na naging sanhi umano ng pagkalas ng bagon.