Home NATIONAL NEWS 4 milyong pasahero, inaasahang dadagsa sa mga paliparan sa Undas

2 negosyante na bihag ng Abu Sayyaf pinalaya na

by DWIZ 882 November 4, 2017 0 comment

Pinalaya na ng mga hinihinalang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf Group o ASG ang dalawang negosyante matapos ang isang buwang pagkakabihag sa Barangay Muti, Zamboanga City.

Batay sa report ng Police Regional Office 9, nakilala ang mga biktima na sina Rome Gambe at Jonathan Timbog; pawang naninirahan sa lungsod na sinasabing pinakawalan ng mga kidnaper sa Barangay Muti.

Matatandang dinukot ang dalawa ng mga armadong kalalakihan sa Barangay Nala, Sibuco, Zamboanga del Norte noong Setyembre 31, 2017.

Ayon sa mga awtoridad, inaalam pa nila kung nagbayad ng ransom ang pamilya ng mga biktima.

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment