Aabot sa labing limang libong (15,000) mga residente sa Davao del Norte ang inilikas bunsod ng bagyong Vinta.
Ayon kay 67th Infantry Battalion Commander Lieutenant Colonel Jake Obligado, naranasan ang malakas na hangin at ulan nang mag-landfall ang bagyong Vinta sa bayan ng Cateel.
Sa kasalukuyan, wala pang naiuulat na nasawi o anumang malaking pinsala dulot ng pagtama ng bagyo sa Davao del Norte kung saan nakataas pa rin ang signal number 2.
Tiniyak naman ni Obligado na nabigyan nang tulong ang mga nagsilikas na residente.