Daang libong mga trabaho ang posibleng magbukas sa susunod na taon kasunod ng anim na bilyong dolyar na investment pledge ng Japan sa Pilipinas.
Ayon kay Department of Trade and Industry o DTI Secretary Ramon Lopez, aabot sa halos 500,000 mga trabaho ang posibleng magbukas partikular sa mga manufacturing industry, infrastructure at Informations and Communications Technology o ICT.
Pagtitiyak pa ni Lopez, naging matagumpay aniya ang naging pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Japan.
Sinabi pa ni Lopez na nakikipag-ugnayan na din ang DTI sa mga nasabing Japanese investors para sa mga ilulunsad na negosyo sa bansa.