Patay ang labing tatlo (13) katao at sugatan ang dalawang (2) police officers sa sunog sa isang karaoke bar sa kapitolyo ng Vietnam.
Ayon sa mga awtoridad, nagsimula ang sunod sa Cau Giay District na mabilis na kumalat sa mga katabing bahay.
Daan-daang bumbero ang kaagad rumesponde para patayin ang malaking apoy na nakatupok na rin ng mga sasakyan sa labas ng gusali.
Pina-iimbestigahan ng Prime Minister ang nasabing sunog kasabay ang kautusang inspeksyunin ang iba pang karaoke bars at restaurants kung sumusunod sa fire safety protocols and equipment.
By Judith Larino
Photo Credit: EPA