Hindi bababa sa 10 establisyimento sa Barangay Taglatawan, Bayugan City, Agusan Del Sur ang nasunog nitong Lunes.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), sumiklab ang sunog bandang alas-7 ng gabi sa isang motorcycle shop, kung saan mabilis itong kumalat sa katabi nitong mga tindahan ng lpg, bake shop at iba pa.
Dakong 8:45 ng gabi nang ideklara itong fire out.
Wala namang naiulat na casualty ngunit aabot sa mahigit P1.6Mang halaga ng pinsalang idinulot ng naganap na sunog.