Bumaba sa halos 14% ang bilang ng mga krimen sa bansa sa nakalipas na tatlong buwan.
Ayon sa Philippine National Police, mula 6,961 na kaso noong Hulyo hanggang Agosto a-bente singko, ay lumiit sa 5,989 ang index crimes mula Agosto 26 hanggang Oktubre 30 ngayong taon.
Bumaba rin ng 14.01% ang mga focus crime na mula 6,931 kaso ay naging 5,960 na kaso na lamang sa kaparehong panahon.
Mula Agosto 26 hanggang Oktubre 30, 2025, nagsagawa ang PNP ng mahigit siyam na libong anti-illegal drug operations na nagresulta sa pagkakaaresto ng 10,434 na indibidwal at pagkakakumpiska ng ₱1.91 billion na halaga ng droga.
Ayon kay acting PNP chief Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr., hindi lamang mas malakas na police force ang itinatag nila kundi isa ring police service na karapat-dapat sa tiwala ng sambayanang Pilipino.
Dagdag pa ni Lieutenant General Nartatez, walang puwang sa bagong PNP ang mga tiwaling pulis at pinaiiral ang zero tolerance ng ahensya sa korapsyon, pang-aabuso, o anumang gawaing sumisira sa tiwala ng publiko.




