Mahigit P3-bilyong na ang halaga ng pinsala ng bagyong Karding sa sektor ng agrikultura sa Nueva Ecija.
Sa pagtaya ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), pinakamatinding naapektuhan ang ekta-ektaryang palayan sa lalawigan.
Damay din ang mga maisan, high-value crops, kabilang ang mga gulayan.
Samantala, bagaman unti-unti namang bumabalik ang mga negosyo limang araw matapos manalasa ang bagyo, wala pa ring kuryente sa districts 3 at 4.
Alinsunod sa rekomendasyon ng PDRRMC kay Governor Aurelio “Oyie” Umali, wala pa ring klase ngayong araw sa lahat ng antas sa mga nasabing distrito dahil hindi pa naibabalik ang power supply.
Ang District 3 ay binubuo ng Cabanatuan City, mga bayan ng Bongabon, Gabaldon, General Mamerto Natividad, Laur, Palayan at Santa Rosa.
Binubuo naman ang district 4 ng Gapan City, mga bayan ng Cabiao, General Tinio, Jaen, Peñaranda, San Antonio, San Isidro at San Leonardo.