Aminado ang Department of Agriculture na problema pa rin ang mababang presyo ng palay sa bansa kaya’t ipinag-utos ni Pangulong Bongbong Marcos ang dalawang buwang suspensyon ng rice importation simula sa Setyembre a-uno.
Sa kabila nito, tiniyak ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr. na kanila na itong sinosolusyunan at sa katunayan ay may ilang lugar na ang nakapagtala ng unti-unting pagtaas ng farmgate price ng palay.
Nilinaw ng kalihim na ang importation ban ay isa lamang sa solusyon na kanilang ilalarga at bukod dito ay dapat nang pagtuunan ng pansin ang pag-amyenda sa Rice Tariffication Law bilang long-term solution sa problema.
Kumpiyansa naman si Laurel na maaamyendahan ngayong 20th Congress ang naturang batas.