Bahagyang bumaba ang bilang ng mga naitatalang insidente ng carnapping sa unang anim na buwan ng taon sa bansa.
Ayon sa Philippine National Police-Highway Patrol Group, bumaba ng 8.5-percent hanggang 9.6-percent ang mga insidente ng carnapping, lalo na sa mga four-wheel vehicles.
Sa datos ng H-P-G mula January 1 hanggang June 30, nasa isandaa’t apatnapu ang kaso ng carnapping ng mga four-wheel vechicle; mas mababa kumpara sa isandaa’t animnapu’t dalawang insidenteng naitala sa kaparehong panahon noong 2024.
Samantala, mayroong naitalang siyamnaraa’t animnapu’t apat na insidente ng motorcycle carnapping ngayong taon, mas mababa rin kumpara sa isanlibo’t dalawang kasong naitala noong nakaraang taon.
Pagbibigay diin naman ng opisyal na ang pagbaba ng kaso ay resulta ng direktiba ni P-N-P Chief Nicolas Torre the Third, na palakasin ang presensya ng H-P-G sa mga kalsada, upang mapigilan ang insidente ng carnapping sa buong bansa.