Bahagyang nahigitan ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang target na koleksyon na limang daan walumput apat punto walong daan at walumput isang bilyong piso (584.881-B) para sa taong 2018.
Ito ay matapos makakolekta ng kabuuang limang daan walumput lima punto limang daan at apatnaput dalawang bilyong piso (585.542-B) ang ahensiya o katumbas ng 100.1 percent ng kanilang collection target.
Batay sa paunang datos ng BOC, lumago ng 27.8 percent ang tax collection ng ahensiya ngayong 2018 kumpa noong nakaraang taon.
Ayon pa sa BOC, 14 sa 17 collection district ng ahensiya ang nakaabot ng kanilang taunang target na koleksyon.
Kabilang dito ang mga pantalan ng San Fernando, Batangas, Legaspi, Iloilo, Cebu, Tacloban, Surigao, Cagayan de Oro, Zamboanga, Davao, Subic, Clark, Aparri at Limay.
Samantala, kapwa kinapos at nabigo ang Manila International Cotainer Port at Port of Ninoy Aquino International Airport na maabot ang kanilang target na koleksyon.