Inatasan ni US President Donald Trump ang Commerce department at US Trade Representative na magpataw ng isandaang porsyentong taripa sa mga pelikulang gawa ng ibang mga bansa.
Ayon kay Trump, namamatay na ang movie industry sa amerika dahil sa mga insentibong iniaalok ng ibang mga bansa sa mga US Filmmaker.
Matatandaang itinalaga ni Trump bilang “Special ambassadors” sina Jon Voight, Sylvester Stallone at mel Gibson upang palakasin ang Hollywood.
Sa ngayon, hindi pa malinaw kung paano maipapataw ang nasabing taripa sa mga pelikula sa streaming services, maging sa mga ipinapalabas sa sinehan.