Ikinabahala ni Senate Committee on basic Education Chairman Sherwin Gatchalian ang mataas bilang ng mga ‘functional illiterate’ sa bansa o ang hirap umunawa ng kanilang nababasa.
Ipinunto ng Senador na ang nasabing ‘functional illiterate’ na mga mag-aaral ay nakapagtapos ng pag-aaral sa high school.
Maliban dito, naitala din noong nakaraang taon ang 5.8 million na mga Pilipino ang tinatawag naman na “Basic illiterates” o ito yung mga taong “No read, no write” o hindi nakakapagbasa, hindi nakakasulat at hindi rin nakakapagbilang.
Dahil dito, kinalampag ni Senador Gatchalian ang education sector sa bansa na agad tugunan ang nasabing problema partikular ang department of education na maging proactive sa pagtiyak na walang estudyante ang magtatapos sa pag-aaral na hindi marunong magbasa, magsulat at umunawa.