Home NATIONAL NEWS Pag-IBIG financed homes increase 15% to over 68,000 in nine months, socialized housing grows 173% under Marcos’ Expanded 4PH

Zamboanga City naka-full alert

by DWIZ 882 November 17, 2015 0 comment

Nasa full alert ang pulisya at militar sa Zamboanga City dahil sa pinangangambahang sympathy attack na puwedeng isagawa ng mga terorista sa syudad.

Kasunod ito ng pag-atake ng mga terorista sa Paris, France.

Lahat ng lugar na papasok at palabas ng Zamboanga ay nilagyan na ng checkpoints upang matiyak na hindi mapapasok ng teroristang grupo ang syudad.

Tatlong (3) dayuhang Jihadists ang sinasabing nasa Basilan at nagsasagawa ng training sa paggawa ng bomba.

Gayunman, sinabi ng Joint Task Group Zamboanga na ang full alert ay bilang paghahanda lamang habang inaalam pa nila kung may basehan ang sinasabing sympathy attack sa syudad.

By  Len Aguirre  

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment