Home NATIONAL NEWS Impeachment trial ni VP Sara, target tapusin ng prosekusyon sa ikalawang linggo ng Nobyembre

Omicron variant, kalat na sa mahigit 40 bansa

by DWIZ 882 December 6, 2021 0 comment
OMICRON

Kinumpirma ng World Health Organization na kalat na sa mahigit 40 bansa ang Omicron variant ng COVID-19.

Gayunman, nilinaw ni W.H.O. Spokesperson Christian Lindmeier na wala pang namamatay sa naturang COVID strain.

Gumagawa na rin anya ng mga paraan ang mga vaccine manufacturer upang i-adjust ang kanilang mga produkto laban sa Omicron variant.

Hinimok naman ng opisyal ang publiko na iwasang mag-panic sa pagkalat ng panibagong variant lalo’t maaga pa upang sabihing hindi ito tinatablan ng bakuna.

Sa mga bansang nakapagtala ng Omicron, pinaka-marami sa South Africa, na nakararanas ngayon ng 4th wave ng COVID pandemic dahil sa bagong variant. —sa panulat ni Drew Nacino

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment