Kasalukuyang nakararanas ng matinding heat wave ang ilang bahagi ng Europa kabilang ang mga bansang France, Spain at Portugal.
Ayon sa report, naitala ang init sa 42.4 degrees celcius na nagresulta na ng ilang wildfires sa mga nasabing bansa.
Kinumpirma naman ni Spanish Prime Minister Pedro Sanchez na ngayong taon ay umabot na sa 70 thousand na ektarya ang nasira ng wildfire sa kanila.
Nabatid na naitala din ang bagong “hottest records” sa mga french cities na Nantes at Brest.
Samantala, kinumpirma ng health institute ng spain na umabot na sa mahigit limangdaan ang naitalang heatwave-related death sa kanilang bansa.