Mag-iisang taon na umanong nga-nga sa showbusiness ang tinaguriang Queen of All Media na si Kris Aquino.
Magugunitang September 2016 nang layasan ni Kris ang ABS-CBN sa paniniwalang hahabulin siya nito para sa panibagong kontrata kasama ang pagpapabongga pa ng TV show niyang Kris TV.
Ayon sa ilang showbiz insiders, tila nawala na ang “magic” ni Kris dahil umaayaw na sa kaniya o hindi na interesado sa kaniya ang mismong ang mga malalaking network na una nang nagkakadarapa sa kaniya para makuha lamang ang kaniyang serbisyo.
Flopsina nga anila ang trip ni Kris TV Special sa GMA 7 kayat hindi na ito nasundan pa samantalang sinubukan ding mag-TV 5 para sa isang panayam sa Pangulong Rodrigo Duterte na hindi naman sinipot ang programa.
May nagtanong pang netizen kay Kris kung babalik ba sa Kapamilya network na sinagot naman ng dating presidential daughter na: No talks, no offer, sorry!”
Sinabi ni Kris na mas pinagtutuunan niya ng pansin ang digital work aniya niya at Youtube project gayundin ang pagsisimula ng shooting para sa kaniyang iflix.ph project sa mga susunod na araw.
By Judith Larino
Wala na nga ba ang ‘magic’ ng isang Kris Aquino? was last modified: July 18th, 2017 by DWIZ 882